Nangako si Senate Committee on Public Services Chairperson Senadora Grace Poe na patuloy na magsusumikap ang kongreso para makapagpasa ng isang Freedom of Information (FOI) law.
Ayon kay Poe, bagamat kapuri-puri ang paglalabas ng isang executive order tungkol sa Freedom of Information (FOI), ang pinakalayunin pa rin nila ay ang i-institutionalize ito sa pamamagitan ng isang batas.
Nais aniya ng senadora na magkaroon ng isang FOI law na makapagbibigay ng mas malawak na access sa mga impormasyon kaysa sa restrictions.
Binigyang diin ng mambabatas na mahalaga ang transparency sa accountability.
Kung wala aniyang transparency ay hindi magkakaroon ng access ang taumbayan sa mga impormasyong kailangan para makibahagi sa epektibong pamamahala.
Iginiit ni Poe na bawat isang Pilipino ay may karapatan para sa impormasyon na makakaapekto sa publiko at na isa itong mahalagang elemento sa empowerment at democracy. | ulat ni Nimfa Asuncion