Konstruksyon ng Kaliwa Dam, 22% nang kumpleto — MWSS

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nananatiling on-track ang Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) sa target nitong makumpleto ang Kaliwa Dam sa katapusan ng 2026.

Ayon kay MWSS Administrator Leonor Cleofas, 22% nang kumpleto ang konstruksyon ng prouekto kung saan aabot na rin sa higit 300 metro ang nahuhukay sa tunnel.

Tinukoy nitong kritikal na bahagi ng konstruksyon ng Kaliwa dam ang tunneling dahil nasa 22 kilometro ang sakop nito.

Inaasahan naman ng MWSS na pagsapit ng ikatlong quarter ng taon ay makakapasok na ang construction team sa mismong dam site para sa mobilisasyon ng mga equipment.

Ang Centennial Kaliwa Project ay bahagi ng water security roadmap na tinatarget maging operational sa unang bahagi ng 2027 at makatugon sa tumataas na demand sa suplay ng tubig ng nasa 20 milyong customer sa Metro Manila at mga karatig lalawigan. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us