Idineklara ng Korte Suprema na kalahating araw ang pasok sa lahat ng korte sa buong bansa sa darating na Abril 5.
Alinsunod sa kalendaryong inaprubahan ng Korte Suprema para sa taong 2023, dapat sumunod ito at ang lahat ng korte sa buong bansa sa kalahating araw o hanggang tanghali na iskedyul ng trabaho sa Miyerkules, Abril 5, 2023.
Ito ay base sa kautusang nilagdaan ni Chief Justice Alexander Gesmundo.
Nauna nang inanunsiyo ng Malacañang ang suspensiyon ng trabaho sa lahat ng tanggapan ng gobyerno simula sa tanghali ng Abril 5, para sa pagdiriwang ng Semana Santa.
Samantala, nilagdaan ang naturang kautusan ni Chief Justice Alexander Gesmundo. | ulat ni Paula Antolin