Ikinadismaya ni Senadora Nancy Binay ang epekto ng oil spill sa Oriental Mindoro bilang isa aniya itong summer alternative destination ng Boracay.
Ikinalungkot ng Senate Committee on Tourim na marami nang nagkansela ng kanilang bookings dito ngayong holy week.
Ayon kay Binay, panibagong dagok ito para sa mga manggagawa ng turismo sa mga apektadong lugar, lalo’t kakabangon lang nila mula sa pandemya.
Dahil dito, nanawagan ang mambabatas sa pamahaalan maging sa mga non-government groups na agapan at bilisan ang pagkilos upang hindi na lumala pa ang sitwasyon dahil ilang libong pamilya at kabuhayan na ang apektado.
Hindi na aniya dapat paabutin sa Batangas at Palawan ang epekto ng oil spill.
Umapela rin si Binay na, bukod sa mga mangingisda, ay isailalim rin ng TUPAD (Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers) program at bigyan ng ayuda ang tourism workers na mawawalan ng trabaho dahil sa oil spill. | ulat ni Nimfa Asuncion