Lady Solon, ipinapasama sa 2024 budget ng DENR at PCG ang mga kagamitan, dagdag pagsasanay sa pag-responde sa oil spill

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinaalalahanan ni House Committee on Ecology Chair at Biñan City Rep. Marlyn Alonte ang Department of Environment and Natural Resources at Philippine Coast Guard na isama sa kanilang budget ang kanilang pagresponde sa oil spill.

Ayon kay Alonte, dahil kulang ang mga equipment na ginagamit ngayon ng mga nabanggit na ahensya ng gobyerno upang mapigil ang tagas na langis sa Mindoro kaya kumalat na ito sa probinsya ng Palawan at iba pang karatig na probinsya sa Western Visayas.

Aniya, dapat equipped ang PCG at DENR na nagsisilbing frontliners sa mga ganitong insidente.

Payo ng lady solon dapat tiyakin na nakasama sa kanilang 2024 budget ang oil spill containment equipment, supplies at training.

Pinagsusumite rin ang dalawang ahensya ng gobyerno ng kanilang “multi-year budget estimates” kung paano mapaghuhusay ang government response at medium term actions. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes

?: Cong. Len Alonte FB page

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us