Ipinapanukala ni Caloocan Representative Mary Mtizi Cajayon-Uy na amyendahan ang Civil at Family Code.
Patikular dito ang termino na gamit para tukuyin ang mga anak ng mga magulang na hindi kasal.
Sa ilalim ng inihain nitong House Bill 7440 aalisin na ang terminong “legitimate” at “illegitimate” at papalitan ng “marital children” at “non-marital children”.
Para sa lady solon, ang katagang ‘illegitimate’ ay mayroon umanong negatibong konotasyon o kahulugan na pinapasan ng mga bata na wala namang kasalanan sa kanilang sitwasyon.
“Abolishing discriminatory terms when referring to children should be reexamined and thus promote the dignity of every person in our choice of words and languages,” saad ng kinatawan. | ulat ni Kathleen Jean Forbes