Inaanyayahan ng Pasay LGU ang mga residente na makiisa sa ikakasang job fair bukas.
Isasagawa ito sa Pasay City Hall simula alas-9 ng umaga hanggang alas-4 ng hapon kung saan 50 kumpanya makikilahok sa job fair at libo-libong trabaho ang makikita sa local at overseas.
Kabilang sa bakanteng trabaho ang barista, cashier, sales clerk, register pharmacist, casino dealer, call center, company driver, cook, telephone operator, service crew, accounting, at marami pang iba.
Ayon kay Mayor Emi Calixto Rubiano meron din One Stop Shop sa isasagawang job fair bukas.
Maaaring iproseso ang kanilang NBI, SSS, PhilHealth, PSA, PAG-IBIG, at TESDA.
Sa mga interesado, bisitahin ang Facebook page ng Pasay LGU para sa karagdagang detalye. | ulat ni Don King Zarate