Inatasan na ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Atty. Benjamin ‘Benhur’ Abalos, Jr. ang Philippine National Police (PNP) at Bureau of Fire Protection (BFP) at mga lokal na pamahalaan na tiyakin ang mapayapa at ligtas na paggunita ng Semana Santa sa susunod na linggo.
Ayon sa kalihim, dapat na manatiling naka-alerto ang mga awtordiad lalo’t inaasahang dadagsa na naman ang libo-libo biyahero na luluwas ng kanilang mga probinsya.
Nakatutok naman na aniya ang PNP para paiigtingin ang Police visibility sa buong bansa, partikular sa mga identified areas of convergence tulad ng malalaking simbahan, pilgrim sites, terminal, pantalahan, at paliparan pati na rin sa mga mall at iba pang pasyalan na dinadayo ng publiko.
Kasama rin sa direktiba ng kalihim sa PNP ang
makipag-ugnayan sa mga lokal na opisyal sa pagmo-monitor at paglalagay ng checkpoint sa mga lugar na itinuturing na “hotspot” kung saan mataas ang political violence.
Samantala, nakahanda na rin aniya ang BFP na magbigay ng tulong sa mga biyahero sa panahon ng emergency tulad ng sunog.
Habang ang LGUs ay hinimok na ring makipag-ugnayan sa local traffic enforcers, barangay tanod, Local Peace and Order Councils (POCs), mga volunteer, at iba pang force multiplier sa pagpaplano at paghahanda para sa pagdagsa ng tao sa sa kanilang mga lokalidad. | ulat ni Merry Ann Bastasa