LRTA, magpapatupad ng heavy maintenance sa linya kasabay ng Semana Santa

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sasamantalahin ng pamunuan ng Light Rail Transit Authority (LRTA) ang Semana Santa upang magpatupad ng major maintenance sa linya, power supply, riles, at sa mga istasyon ng tren.

Sa briefing ng Laging Handa, sinabi ni LRTA Administrator Atty. Hernando Cabrera, April 5, araw ng Miyerkules, hanggang alas-7 lamang ng gabi ang kanilang operasyon.

Sa April 6 hanggang April 9, habang nakatigil ang operasyon, dito aniya isasagawa ang heavy maintenance.

Kabibilangan ito ng mga pagsasaayos ng mga pasilidad, switches, at mga makina ng linya.

“Iaakyat din natin iyong tinatawag natin na rail grinding machine. Mayroon tayong isang parang makina na equipment iaakyat natin; mabagal ang takbo niyan, kasi ang trabaho naman niyan kukuskusin niya iyong ating riles para maging smooth iyong ating riles at maging smooth iyong takbo ng ating mga tren. Napakabagal ng takbo nito, kaya kailangan mo talaga ng mahaba-habang araw para iakyat, gawin iyong trabaho at saka ibaba mo ulit siya kaya talagang kailangan namin iyong apat na araw na iyon para maisagawa itong mga activities natin.” — Atty. Cabrera

Umaasa ang opisyal na matapos ang mga hakbang na ito, patuloy na magiging maayos ang operasyon ng LRT.

Habang alas-5 ng madaling araw ng April 10, araw ng Lunes, magbabalik na sa operasyon ang LRTA. | ulat ni Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us