Magkahiwalay na sunog, sumiklab sa Muntinlupa at San Mateo, Rizal

Facebook
Twitter
LinkedIn

Isa ang nasawi sa sunog na sumiklab sa isang residential area sa Purok 4 Barangay Bayanan, Muntinlupa City.

Nagsimula ang sunog alas-6:14 at naapula alas-6:45 ng gabi.

Umabot lamang ng unang alarma ang sunog kahit na gawa ito sa light materials dahil sa mabilis na pagreponde ng mga fire volunteer at Muntinlupa BFP.

Samantala isang sunog din ang sumiklab sa Gen. Luna st Brgy. Maly, San Mateo, Rizal na nagsimula dakong alas-8:00 ng gabi na umabot sa ikatlong alarma.

Wala namang naiulat na nasawi o namatay sa nangyaring sunog na idineklarang fire out alas-10:00 ng gabi.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa nangyaring sunog.

Paalala ng Bureau of Fire Protection sa publiko na tiyakin nakabunot ang mga saksakan kung hindi ginagamit at kung gumagamit ng kandila ay huwag itong kalilimutan upang huwag pagmulan ng sunog. | ulat ni Janze Macahilas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us