Niyanig ng magnitude 4.2 na lindol ang bahagi ng New Bataan sa Davao De Oro ngayong umaga.
Ayon sa PHIVOLCS, tumama ang lindol ganap na alas-6:37 ng umaga at tectonic ang origin nito.
Natunton ang epicenter nito sa layong 12km timog silangan ng lugar at may lalim na 1km.
Naitala ng PHIVOLCS ang Instrumental Intensity 4 sa Nabunturan, Davao de Oro.
Wala namang inaasahang pinsala, at aftershocks kasunod ng pagyanig. | ulat ni Merry Ann Bastasa
![](https://radyopilipinas.ph/wp-content/uploads/2023/03/IMG-c8c9e2b9f2a7c320a72933d519d6f5c2-V-701x1024.jpg)