Sumampa na agad sa mahigit 1,000 ang bilang ng mga nasampolan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).
Ito ay sa unang araw ng pagpapatupad ng Exclusive Motorcycle Lane sa kahabaan ng Commonwealth Avenue sa Quezon City, ngayong araw.
Batay sa datos ng MMDA mula nitong alas-12 ng tanghali, pumalo na sa 1,238 ang bilang ng mga nahuling lumalabag sa nasabing patakaran
Mula sa naturang bilang, nasa 482 rito ang mga motorsiklo na hindi dumaraan sa itinalagang motorcycle lane.
Habang nasa 757 naman sa mga nahuli ay mga pribadong sasakyan, na patuloy sa pagdaan sa motorcycle lane kahit tadtad na ng mga palatandaan na nakalaan lamang ang nasabing lane sa mga naka-motorsiklo
Ang mga nahuli ay inisyuhan ng ticket ng MMDA at pagbabayarin ang mga ito ng kaukulang multa. | ulat ni Jaymark Dagala