Umabot sa mahigit tatlong tonelada ng iligal na droga ang sinunog ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA sa isang waste facility sa Trece Martires City sa lalawigan ng Cavite ngayong araw.
Ayon kay PDEA Director General Virgilio Lazo, ang naturang tinimbang na droga ay nagkakahalaga ng aabot sa mahigit 19 bilyong piso na nasabat ng PDEA sa iba’t ibang anti-drug operation campaign nito.
Dagdag pa ni Lazo, ito na ang isa sa pinakamalaking sinunog ng PDEA sa kanilang kasaysayan mula nang una itong itinatag noong 2002.
Saad pa ni Lazo, hindi lang siya ang dapat mabigyan ng credit sa naturang achievement ng PDEA dahil malaki rin ang naging bahagi ng nakaraang administrasyon sa mga nasabat na iligal na droga. | ulat ni Arrian Jeff Ignacio