Mahigit P1-M na pabuya, iniaalok sa makapagtuturo sa pumatay sa Computer Science student sa Dasmariñas, Cavite

Facebook
Twitter
LinkedIn

Iniaalok na ang P1.1 milyon na pabuya para sa makakapagturo sa suspek sa pagpatay sa computer science student na si Queen Leanne Daguinsin sa Dasmariñas, Cavite.

Pinagsama ang P300,000 cash reward mula kay Cavite Governor Jonvic Remulla, P300,000 na pabuya mula kay Senador Bong Revilla, P300,000 mula sa Dasmariñas LGU, P100,000 mula kay Mayor Jenny Barzaga, at P100,000 mula kay Congressman Pidi Barzaga.

Inatasan ng CALABARZON Police Regional Office ang Cavite Police Provincial Office at ang Dasmariñas City Police na gamitin ang kanilang buong pwersa para sa agarang pagkakadakip sa suspect.

Mababatid na natagpuan ang bangkay ni Daguinsin sa kanyang dormitoryo noong nakaraang martes na tadtad ng labing apat na mga saksak.

Nagsuot naman ng kulay na itim na damit ang mga mag-aaral ng De La Salle University – Dasmariñas bilang pakikiramay kay Daguinsin. | ulat ni Bernard Jaudian Jr.

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us