Main player sa pagpatay kay Negros Oriental Gov. Roel Degamo, naaresto ng NBI

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sinabi ni Department of Justice (DOJ) Secretary Jesus Crispin Remulla, na naaresto na ang isa pa sa suspek o main player na nagtatago kaugnay sa pagpaslang kay Governor Roel Degamo, at wala na sa loob ng Negros Oriental.

Maliban sa pagkumpirma ni Remulla sa karagdagang suspek na naaresto, wala ng iba pang detalyeng nasabi patungkol sa inarestong suspek.

Itinuturing na ni Remulla, na halos 99 percent nang naresolba ang kaso ng pagpaslang kay Degamo.

Dahil dito, hindi natuloy ang nakatakda sanang pagsasampa ng kaso sa mga pangunahing suspek sa Degamo case.

Habang dalawa hanggang tatlo pang mastermind sa naganap na Pamplona Massacre, ang patuloy na pinaghahanap ng mga otoridad.

Aabot namn sa 11 o 12 mga suspek sa pagpaslang kay Degamo ang nasa kustodiya ng National Bureau of Investigation (NBI). | ulat ni Paula Antolin

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us