Maintenance Medicine Program ng QC LGU para sa mga senior, aarangkada na

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ilulunsad ng Quezon City LGU ang Maintenance Medicine Program para sa mga senior citizen na nangangailan ng serbisyong medikal.

Isasagawa ito sa March 24 sa Brgy. White Plains Covered Court mula 8AM-12PM.

Ipapamahagi ang mga libreng gamot para sa mga senior citizen na may hypertension, diabetes, at high cholesterol.

Handog naman ng Quezon City Health Department ang iba’t ibang serbisyo gaya ng risk assessment, laboratory test, medical consultation, at COVID-19 vaccine.

Ang Office for the Senior Citizen’s Affairs naman ay maghahandog ng registration para sa QCitizencard. | ulat ni Bernard Jaudian Jr.

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us