Hiniling ni Senador Chiz Escudero sa Office of Civil Defense (OCD) at ang National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC) na gawing mas simple at mas mabilis ang proseso ng pagkuha ng mga lokal na pamahalaan ng calamity funds.
Pinunto ni Escudero na kailangan ng mga lokal na pamahalaan na apektado ng oil spill sa Oriental Mindoro ang agarang financial assistance para makaagapay sa sitwasyon.
Bilang dating gobernador ng Sorsogon, ibinahagi ni Escudero ang matagal na prosesong pinagdaraanan ng mga LGU sa pagkuha ng calamity fund dahil sa dami ng requirements na kinakailangan.
Sinabi naman ni OCD Deputy Administator Bernardo Alejano IV na kasalukuyan na nilang nirerepaso ang guidelines para sa paghiling at pagkuha ng calamity fund.
Ayon kasy Alejano, mailalabas nila ang bagong guidelines sa susunod na buwan.
Hiniling rin ng senador sa NDRRMC na isama sa revised guidelines ang isang retroactive clause para maipatupad rin ang bagong panuntunan sa claims ng mga LGU na naapektuhan ng mga nakaraang kalamidad. | ulat ni Nimfa Asuncion