Mambabatas, pinatitiyak na hindi malalabag ang Right to Organize ng mga estudyante

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinasisiguro ni Senador Christopher “Bong” Go na hindi malalabag ang karapatan na mag-organisa ng mga estudyante sa planong iparehistro ang fraternities at sororities bilang accredited school-based organizations.

Sa naging pagdinig ng senado tungkol sa pagkamatay dahil sa hazing ng Adamson University student na si John Matthew Salilig, napag-alaman na hindi rehistrado bilang mga lehitimong organisasyon sa mga paaralan ang fraternities at sororities.

Layon ng ipinapanukalang pagpaparehistro na matigil na ang underground activities sa mga eskwelahan ng mga fraternities, sororities at iba pang kahalintulad na grupo para hindi na maulit ang mga karahasan at pagkamatay sa pagsasagawa ng mga initiation rites.

Ayon kay Go, mahalagang matiyak ang karapatan sa pag-organisa at pagsasagawa ng mga aktibidad ng mga kabataan at siguruhing susunod din ang mga ito sa patakaran ng mga paaralan.

Kasabay rin nito ang paalala na ang mga fraternity ay para sa kapatiran at hindi ito dapat nauuwi sa kamatayan.

Una nang ipinapanukala ni Senate President Juan Miguel Zubiri na amyendahan ang anti-hazing law para maisama ang probisyon tungkol sa pagmamandato sa mga estudyante na ideklara ang mga kinabibilangan nilang organisasyon, fraternity o sorority sa kanilang college application para magkaroon ng record ang mga unibersidad. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us