Mambabatas, pinatitiyak na may mapanagot sa trahedyang sinapit ng MV Lady Mary Joy 3

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kinalampag ni House Committee on Natural Resources Chair Elpidio Barzaga ang Maritime Industry Authority (MARINA) at Philippine Coast Guard (PCG) na alamin ang puno’t dulo ng pagkasunog ng MV Lady Mary Joy 3.

Aniya dapat ay natuto na ang MARINA at PCG mula sa mga nakaraang trahedya sa sasakyang pandagat, lalo na dahil sa overloading.

“Have we not learned anything? What is MARINA and the Philippine Coast Guard doing now? Those who have been negligent should be held accountable for this accident because it could have been avoided if only they did their jobs.” diin ni Barzaga.

Punto ni Barzaga mismong si Mayor Arsina Kahing-Nanoh ng Hadji Muhtamad, Basilan ang nagsabi na nahirapan ang mga otoridad sa rescue operation dahil sa inaccuracy ng passenger manifesto.

Kung pagbabatayan kasi aniya ang 195 na naligtas at bilang ng nasawi na nasa 29, ay hindi ito tugma sa record ng PCG na 205 passengers.

Malinaw pa din aniya sa kaniyang alaala ang imbestigasyon sa lumubog na MV Princess of the Stars noong 2008 kung saan walongdaan ang nasawi na nagbigay daan sa pagsasabatas Maritime Code.

Ayon sa Cavite solon, dapat tiyaking may mapanagot sa insidente at pahintuin na muna ang paglalayag ng iba pang barko ng naturang shipping line.

“If there were so many passengers, did they not check if the vessel was overloaded? Secondly, is there already an action to stop the shipping line from operating its other ferries on account of this incident?” dagdag ng mambabatas. | via Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us