Maraming lugar sa Parañaque, Pasay, Las Piñas, Muntinlupa, mawawalan ng sup

Facebook
Twitter
LinkedIn

Maraming lugar ngayon sa southern part ng Metro Manila ang mawawalan ng supply ng tubig simula ngayong araw.

Ito ay apat na araw na tatagal hanggang sa March 17 at karamihan ay simula alas-6 ng umaga hanggang alas-8 ng gabi.

Dahil dito pinapayuhan ang mga residente na mag-ipon ng sapat na tubig base sa pangangailangan.

Sa abiso ng Maynilad, kabilang sa mawawalan ng tubig ang maraming lugar sa Parañaque tulad ng dalawang lugar sa Barangay Don Bosco, anim sa Marcelo Green, 12 sa Merville, limang lugar sa Barangay Moonwalk at marami pang iba.

Mawawalan din ng supply ng tubig simula mamaya ang mga lugar sa Pasay City tulad ng sa Barangay 181 hanggang 185 at 201.

Sa Las Piñas Almanza Dos, Caa, Manuyo Dos, Pamplona Tres, Pulang Lupa Uno, at marami pang iba.

Muntinlupa maraming lugar sa Alabang, Bayanan, Poblacion, Putatan, Tunasan, Sucat, at maraming iba.

Para sa kumpletong listahan makikita ang oras at mga lugar sa Facebook page ng Maynilad. | ulat ni Don King Zarate

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us