Mas maigting na relasyon ng PH sa Qatar, Chile, inaasahang ni Pangulong Marcos Jr.

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inaasahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mas maigting na balikatan ng Pilipinas sa mga bansang Qatar at Chile.

Sa courtesy call ni Chilean Ambassador Alvaro Domingo Jara Bucarey sa Malacañang, sinabi ng pangulo na maaaring magtulungan ang dalawang bansa sa disaster response, climate change, energy security, at pagpapaigting ng government-to-government collaboration at public private partnerships (PPPs).

Binanggit ng pangulo ang paggamit ng geothermal energy, lalo’t kailagan pa aniyang i-explore ng Pilipinas ang linyang ito.

Ikinalugod rin ni Pangulong Marcos ang pagkakataon na mapag-usapan ang mga bagong ideya at teknolohiya na available sa dalawang bansa, lalo’t bumabangon aniya ang buong mundo mula sa epekto ng COVID-19 pandemic, at post-Ukraine scenarios.

Sa pagbisita naman ni Qatar Ambassador Ahmed Saad Nasser Abdullah Al-Hamidi, nagpahayag ng paghanga ang pangulo sa pag-transform ng Qatar sa ekonomiya nito.

Magiging kapakipakinabang aniya para sa Pilipinas kung matututo ito ng best practice mula sa Qatar, lalo na sa linya ng revenue at income generation.

“I think that there are many areas that will provide us opportunities for partnership.” —Pangulong Marcos.

Sa panig naman ni Ambassador Al-Hamidi, siniguro nito ang kahandaan ng Qatar na makipagtulungan sa Pilipinas, sa pag-explore ng mga oportunidad na kapwa kinakikitaan ng potensyal ng dalawang bansa, sa gitna na rin ng ilang taong mayabong na diplomatic relations ng Pilipinas at Qatar. | ulat ni Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us