Nangunguna pa rin si Quezon City Mayor Joy Belmonte sa hanay ng mga Local Chief Ececutive na may pinaka mataas na grado sa Metro Manila.
Batay sa survey na ginawa ng RP Mission and Development Foundation Inc.sa hanay ng mga Mayor sa Metro Manalo, si Mayor Belmonte ang nasa top 1 o nakakuha ng 94 percent Job performance rating sa ginawang survey noong February 25 hanggang March 8, 2023.
Nasa 2nd spot o top 2 sa survey sina Mayor Jeannie Sandoval ng Malabon, Mayor Along Malapitan ng Caloocan at Mayor John Rey Tiangco ng Navotas na pawang nakakuha ng 91 percent ng Job Performance Ratings.
Nasa 3rd spot naman sina Mayor Emmie Calixto Rubio ng Pasay City at Mayor Ben Abalos ng Mandaluyong City na kapwa nakakuha ng 90 percent Job performance Rating.
Nasa 4th spot sina Mayor Vico Sotto ng Pasig at Mayor Abby Binay ng Makati na kapwa nakakuha ng 87 percent Job Performance Rating.
Ang pagkakatanghal kay Belmonte bilang Top Performing Mayor ay dahil sa hindi mapantayang mga programang pinatutupad sa kanyang lungsod tulad ng pabahay, pang kalusugan, pangkabuhayan, online transactions, edukasyon, gayundin ang pagdagsa ng maraming negosyante mula sa lokal man o mga dayuhan makaraang pangunahan ang pagsasagawa ng kauna unahang business summit. I via Mike Rogas