Inilunsad ng First Scout Ranger Regiment (FSR) ang kanilang Behavioral Hygiene Hub (BHH) na magkakaloob ng mental health services sa mga tropa na nasa frontline.
Sa pakikipagtulungan ng Neuro-Psychiatric Section ng Army General Hospital, nagsagawa ng Mobile Neuro-Psychiatric Testing at Physical/Medical Exam ang BHH team ng FSR sa mga sundalo ng 803rd Infantry Brigade, 8th Infantry Division sa Catarman, Northern Samar mula Marso 20 hanggang 25.
Ang libreng serbisyo ay pinakinabangan ng mga sundalo na nakasalang sa reenlistment, promotion at military schooling.
Nagsagawa din ang BHH ng limang araw na pagsasanay ng 14 na tauhan sa Trauma Risk Management (TRiM) para maging kwalipikado silang practitioners.
Ayon kay Philippine Army Spokesperson Colonel Xerxes Trinidad, ang aktibidad ay bahagi ng mga inisyatiba ng Phil. Army para masiguro ang kalusugang pangkaisipan ng mga tropa. | ulat ni Leo Sarne