MERALCO, lumagda ng Emergency Power Supply Agreement para sa 300 megawatts baseload na suplay ng kurytente

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sinelyuhan na ng Manila Electric Company (MERALCO) ang Emergency Power Supply Agreement nito sa South Premier Power Corporation (SPPC).

Ito ay para sa pagsusuplay ng 300 megawatt baseload na suplay ng kuryente epektibo mula Marso 26 ng taong kasalukuyan hanggang Marso 25, 2024.

Ginawa ng MERALCO ang pahayag nang matanggap nito ang sertipikasyon mula sa Department of Energy (DOE), na nag-eexempt sa naturang Emergency Power Supply Deal sa Competitive Selection Process.

Sa ilalim ng Emergency Power Supply Agreement, mahahati sa dalawa ang magiging gastusin ng MERALCO kung saan 1.75 per kWh ang fixed cost ng kanilang bibilhing kuryente mula sa SPPC, habang ang nalalabi ay nakadepende naman sa presyuhan ng langis.

Dahil dito, bahagyang mapupunan ang nawalang suplay ng kuryente ng MERALCO mula sa SPPC kasunod ng pag-terminate sa kanilang Power Supply Agreement na siyang nakapaloob sa Writ of Preliminary Injuction na inilabas ng Court of Appeals.

Kaya naman, tiniyak ngayon ng MERALCO na makapaghahatid sila ng matatag, maaasahan at abot kayang kuryente sa may 7.6 milyong customer nito lalo na ngayong panahon ng tag-init. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us