Ipakakalat na sa lalong madaling panahon ang mga babaeng pulis sa mga himpilan ng PNP sa buong Kamaynilaan.
Ito ang inihayag ni National Capital Region Police Office o NCRPO Director, P/MGen. Edgar Allan Okubo kasabay ng kaniyang pagbisita sa punong tanggapan ng Eastern Police District o EPD sa Pasig City ngayong araw.
Dito, kaniyang binigyang parangal ang 10 natatanging miyembro ng EPD na nagpamalas ng kanilang katangi-tanging asal sa pagganap nila sa tungkulin bilang mga
Ipinunto rin ni Okubo ang kaniyang mga plano, una ay ang pagpaigting ng foot patrol at police visibility, pagpapanatili ng kalinisan gayundin ng kaayusan sa mga himpilan ng pulisya at ang huli ay ang pagpapakalat ng mga babaeng desk officer
Layon nito, ayon sa NCRPO Chief na tulungan ang mga duty desk officer na lalaki sa pagharap at pagtugon sa iba’t ibang mga hinaing o reklamo ng publiko sa mas mahinahon at magalang na paraaan.
Dumipensa rin si Okubo sa pahayag ni Sen. Risa Hontiveros na tila minamaliit ang mga babaeng pulis. | ulat ni Jaymark Dagala