Pursigido ang administrasyon na mapagkalooban ng kuryente ang mga lugar sa bansa na hanggang ngayo’y hindi pa rin maaabot ng power supply.
Sa kanyang pinakahuling vlog, sinabi ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na may misyon ang kanyang administrasyon na
makamit ang 100 percent electrification ng Pilipinas.
Inihayag ni Pangulong Marcos Jr. na sa pamamagitan ng pagpapatayo ng iba’t ibang planta ng kuryente ay maisasakatuparan ang nabanggit na target.
Sa pagtatayo ng power plant, dagdag ng Punong Ehekutibo, ay maipagkakaloob din ang mura at sapat na suplay ng kuryente para sa mga Filipino consumers.
Pokus ng Marcos administration sa larangan ng enerhiya ang mapataas ang paggamit ng renewable energy sources gaya ng hydropower, geothermal, solar, at wind energy. | ulat ni Alvin Baltazar