Mga nalagdaang MOU para sa housing program ng pamahalaan, umabot na sa 83

Facebook
Twitter
LinkedIn

Umakyat na sa 83 Memorandum of Understanding ang nalagdaan sa pagitan ng national government katuwang mga lokal na pamahalaan para sa pagpapatuloy ng layon ng Marcos Administration na mabigyan ng pabahay ang mga Pilipino.

Nasa apat naman ang nalagdaan na Memorandum of Agreement.

Sa groundbreaking ceremony ng housing project sa Barangay Balatas, Naga, Camarines Sur, binigyang diin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang kahalagahan ng mga kasunduang ito.

“Sa lugar na ito, itatayo natin ang pitong gusali na binubuo ng higit isang libo at isang daang (1,100) matitirhan. Bukod sa mga gusali na ipapatayo dito, titiyakin natin na ang mga naninirahan dito ay magkakaroon ng sapat na oportunidad upang makapag-hanapbuhay at kumita. Gagawa din tayo ng mga paraan upang mapalapit ang pamilihan, paaralan, at pagamutan.” —Pangulong Marcos.

Nagsisilbi kasi aniya itong unang hakbang, upang maisakatuparan ang pagbibigay ng maayos at ligtas na tirahan para sa mga Pilipino.

Ayon sa pangulo, patuloy na naghahanap ng paraan ang pamahalaan para sa pagpapalawak ng pabahay program, mula sa paghahanap ng mga lupang mapagtatayuan, hanggang sa pondong gagamitin para dito.

“Pinag-aaralan din natin kung papaano natin mapopondohan nang sapat ang mga proyektong kagaya nito. Tinitingnan pa natin ang posibilidad na paggamit ng mga bakanteng lupa ng estado upang palawigin ang programang pabahay, alinsunod sa mga batas at alituntunin ng ating bansa.” —Pangulong Marcos. | ulat ni Racquel Bayan

?:DHSUD

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us