Mga nasamsam na smuggled na asukal, posibleng maibenta na sa iba’t ibang Kadiwa ng Pangulo sa buwan ng Abril — SRA

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sa papasok na Abril ay posibleng mabili na sa mga Kadiwa Ng Pangulo ang mga nakumpiska na mga smuggled na asukal.

Sa ambush interview kay Sugar Regulatory Administrator Board Member Pablo Luis Azcona, sinabi nitong napag– usapan na nila nuong isang linggo ang patungkol sa documentation at legalidad ng mga nakumpiskang kontrabandong asukal.

Sa sandaling maayos na ang mga papeles sabi ni Azcona ay maaari ng maibenta ang mga kumpiskadong produkto.

Tiniyak naman ni Azcona na daraan sa kaukulang sanitation process ang mga nasamsam na puslit na asukal upang matiyak na ligtas ito for public consumption.

SRA din ayon kay Azcona ang magsasagawa ng proseso sa pagtiyak na ligtas ang mga asukal na ibebenta at kabilang sa proseso ang pagdaan ng mga kumpiskadong asukal sa chemical analysis. | ulat ni Alvin Baltazar

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us