Mga Pilipino at Amerikanong sundalo sa Salaknib Exercise, nagbigay ng dugo

Facebook
Twitter
LinkedIn

Aktibong nakibahagi ang mga Pilipino at Amerikanong sundalo na kalahok sa SALAKNIB Joint military exercise sa isang blood-letting activity sa Army Artillery Regiment (AAR) headquarters sa Fort Magsaysay Nueva Ecija.

Ang blood-letting Drive na isinagawa ng Philippine Army at GMA Kapuso Foundation ay nakalikom ng 435 blood bags mula sa 687 na donors.

Bukod sa mga Pilipino at Amerikanong sundalo, nakilahok din ang mga sibilyan sa aktibidad na pinamagatang “Dugong Alay Ko, Dugtong Sa Buhay Mo, Sagip Dugtong Buhay.”

Ang nalikom na dugo ay iti-turn over sa Philippine Red Cross para magamit ng mga nangangailangan ng transfusion. | ulat ni Leo Sarne

?: Corporal Josel Sucayan PA/OACPA

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us