Mga programa na magbibigay ng sapat na kasanayan sa mga kababaihan sa larangan ng ICT, siniguro ng Marcos administration

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kasama sa listahan ng administrasyong Marcos ang programa para sa mga kababaihan na magkaroon ng kasanayan sa ICT o Information and Communications Technology.

Bahagi umano ito ng “women empowerment” na kung saan ay isinusulong ng administrasyon na mapalakas ang sektor ng kababaihan ngayong nasa ilalim na ang mundo ng tinatawag na “digital world.”

Kaugnay nito ay dinaluhan ni Head Executive Assistant of the Secretary of Department of Information and Communications Technology (DICT) Patricia Nicole Uy ang United Nations Commission on the Status of Women na isinagawa sa New York.

Dito ay nagkaroon ng partisipasyon ang Pilipinas na kung saan ay isinagawa din ang kauna-unahang survey na naglalayong makabuo ng “baseline data on access, use, and skills of women” sa larangan ng Information and Communications Technology.

Sa harap nito’y tiniyak ni Uy na magpapatuloy ang pagtatrabaho ng kanilang tanggapan upang mabigyan ang lahat ng access at oportunidad sa digitalization. | ulat ni Alvin Baltazar

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us