Reclusion Perpetua o habang buhay na pagkabilanggo ang hatol ng Quezon City Regional Trial Court sa mga miyembro ng Dominguez Carnapping Group na pumatay sa anak ng Presidente ng Volunteers Against Crime and Corruption.
Sa desisyon ni Branch 251 Presiding Judge Rafael Hipolito, napatunayan umano ng prosekusyon na sina Roger Dominguez, Jayson Miranda at Rolando Talban ang pumatay sa batang si Venzon Evangelista noong January 14, 2011 sa isang irigasyon sa Cabanatuan Nueva Ecija.
Huling nakitang buhay ang biktima matapos makipagkita sa mga suspek na noon ay nagpanggap naman na mga car dealer.
Hindi naman mapigilan ng Pangulo ng VACC na mapaiyak sa tuwa matapos ibaba ng korte ang hatol sa mga suspek.
Bagamat inabot ng 13 taon ang paglilitis, nagpapasalamat pa rin daw siya sa korte dahil nabigyan na ng katarungan ang kaniyang anak. | ulat ni Michael Rogas