Ipinaliwanag ng Bureau of Immigration na ang dahilan ng paghihipit ng mga ito ay dahil na rin sa mga ulat ng mga nabibiktima ng human trafficking.
Ito’y kaugnay sa isang Tiktok post ng isang pasaherong Pinay na dumanas ng pahirap sa immigration personnel noong December 2022.
Bunsod nito, humingi rin ng paumanhin ang Bureau sa abalang idinulot sa Pinay passenger at iba pang pasaherong Pilipino dahil na rin sa post nitong kung anu-ano ang tinanong sa kanya ng immigration personnel na aniya ay walang katuturan.
Nabatid na matapos namang makalagda sa Border Control Questionnaire at sumailalim sa secondary inspection ang Pinay ay pinayagang makalabas ng Pilipinas. | ulat ni Paula Antolin