Naghahanda ng Manila International Airport Authority (MIAA) at ang Civil Aviation Authority of The Philippines (CAAP) para sa pagdagsa ng mga pasahero sa mga paliparan ngayong darating na Holy Week.
Ayon kay MIAA Senior Assistant General Manager Bryan Co, inihahanda na ang mitigation process para sa susunod na linggo kung saan inaasahan ang influx ng mga pasahero sa mga NAIA terminals.
Dagdag pa ni Co na nakatakdang magpakalat ng karagdagang tauhan ang MIAA ng karagdagang tauhan para umalalay ngayong Semana Santa.
Kaunay nito, siniguro naman ng CAAP na hindi na mauulit ang nangyaring aberya sa Airway Traffic System at kanilang siniguro ang smooth operations ngayong Holy Week season. | ulat ni AJ Ignacio