Patuloy ang ginagawang paglilipat ng mga international flight ng MIAA. Ito ay para mas mapabuti ang serbisyo sa mga paliparan.
Simula July 1 ang mga international flight sa NAIA Terminal 2 ay ililipat na sa Terminal 3 at 4.
Ang rationalization program ng MIAA ang layong gawing pang-domestic travel ang NAIA Terminal 2.
Bukod dito, simula sa Abril 16, ililipat na rin ang mga flight ng Jetstar Japan, Jetstar Asia, Scoot, China Southern Airlines and Starlux Airlines sa Terminal 3 habang ang Flight ng Philippine Airlines (PAL) papunta at pabalik ng Singapore, Ho Chi Minh, Hanoi, at Phnom Penh ay nasa Terminal 1 na sa Abril 16.
Sa June 1, ang flight ng Ethiopian Airlines at Jeju Air ay ililipat sa Terminal 3, at sa June 16, lahat ng international flights ng Philippine Airlines ay ililipat sa Terminal 1.
Sinabi ni MIAA General Manager Cesar Chiong, inaasahan sa una ay maaabala ang mga pasahero pero binigyang diin ni Chiong na ang ginagawang paglilipat ng flight ay magreresulta sa mas maayos na serbisyo. | ulat ni Don King Zarate