MMDA, nag-abiso hinggil sa gagawing pagkukumpuni ng kalsada ngayong weekend

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagbigay abiso ang Metropolitan Manila Development Authority o MMDA kaugnay sa mga gagawing lansangan sa Metro Manila ngayong weekend.

Ito’y dahil sa isasagawang road repair and reblocking ng Department of Public Works and Highways o DPWH na epektibo alas-11 mamayang gabi hanggang alas-5 ng umaga ng Lunes, Marso 20.

Kabilang sa mga kukumpunihing kalsada ay ang bahagi ng EDSA Northbound (innermost lane) sa pagitan ng Ayala Avenue at Buendia Avenue sa Makati City gayundin sa EDSA Northbound sa harap ng Mahal Kita Hotel hanggang sa Taft Avenue

Gayundin sa C-5 Service Road sa Bagong Ilog harap ng M.I.H. Building sa Pasig City; C-5 Road sa pagitan ng Lanuza at Canley Road sa Pasig City at sa Commonwealth Avenue 1st lane mula MRT-7.

Dahil dito, pinapayuhan ng MMDA ang mga motorista na planuhing maigi ang kanilang biyahe upang maiwasan ang anumang abala. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us