MMDA, pinag-aaralan kung paano ipatutupad ang exclusive motorcycle lane sa Commonwealth Avenue tuwing gabi

Facebook
Twitter
LinkedIn

Wala pang detalyadong plano ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) kung paano ipatutupad ang exclusive motorcycle lane sa Commonwealth Avenue sa Quezon City, tuwing gabi.

Ayon kay MMDA Acting Chairperson Romando Artes, pagsapit ng alas-10 ng gabi ay ipu-pull out na ang deployment ng mga tauhan sa Commonwealth.

Pinag-aaralan aniya ng ahensya kung magdadagdag ng reflectors sa motorcycle lane upang mas madaling makita sa gabi.

Ngunit aminado si Artes, na malaki sana ang maitutulong ng ‘No Contact Apprehension Policy’ (NCAP) sa paghuli ng mga pasaway na motorista kung hindi lang napatawan ng temporary restraining order ng korte.

Sa ngayon, masaya ang opisyal sa unang araw ng implementasyon dahil lumalabas na naging epektibo ang dry-run matapos maitala ang mababang bilang ng mga nabigyan ng violation ticket.

Batay sa datos ng MMDA, nasa 1,686 ang bilang ng aksidente sa Commonwealth Avenue noong nakaraang taon sangkot ang mga motorsiklo kung saan 13 ang kaso ng pagkamatay. | ulat ni Hajji Kaamiño

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us