Sisimulan na ng Metro Manila Council ang pagpapatupad sa single ticketing system sa mga traffic violation sa Abril 30.
Sa Kapihan sa Manila Bay, sinabi ni MMC President at San Juan City Mayor Francis Zamora na magkakaroon muna ng dry run pagkatapos ng Semana Santa.
Ayon kay Zamora, ngayong araw, Marso 15 ang itinakdang deadline para amyendahan ng Metro Manila Mayors ang mga ordinansa para maging pare-pareho ang multa sa mga traffic violations.
Walong LGUs sa Metro Manila aniya ang handa na para sa dry run..
Sinabi pa ni Zamora na binigyan na ng Metro Manila Development Authority ng mga kaukulang kagamitan ang LGUs para sa single ticketing system.
Maari aniyang bayaran ang multa sa Gcash, PayMaya at iba pang online platform. | ulat ni Lorenz Tanjoco