Monitoring tool para sa extreme rainfall, inilunsad ng PAGASA

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inilunsad ng PAGASA ang pinakabago nitong monitoring tool para sa extreme rainfall.

Tinawag itong SatREx o Satellite Rainfall Extremes Monitor, na isang web-based platform na naglalaman ng near-real-time information na may kaugnayan sa extreme rainfall events.

Ang satellite rainfall estimates nito ay mula sa Global Satellite Mapping ng Japan Aerospace Exploration Agency.

Sa pamamagitan ng naturang innovation, ay may mga multiple interactive maps na maaaring magamit ang users para madetermina kung gaanu kalakas ang ulan sa isang lugar at may color indicators rin kung may pagbaha.

Ayon sa PAGASA, makatutulong ang SatREx para mas mabawasan ang malaking pinsala na may kauganyan sa rainfall-related disasters.

Maaari nang maaccess ang natural toll sa DOST-PAGASA’s official website. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us