Muling pag-eexport ng pili nuts sa EU, malaking tulong sa ekonomiya ng Bicol

Facebook
Twitter
LinkedIn

Welcome para kay Ako Bicol Party-list Representative Elizaldy Co ang muling pag-export ng Pilipinas ng dried pili nuts sa European Union.

Kasunod ito ng anunsyo ng Malacañang na kasama ang dried pili nuts sa listahan ng ‘novel foods’ na maaaring ibenta sa EU market matapos pansamantalang matigil dahil sa ipinatupad na regulasyon noong 2015.

Ayon kay Co, malaking tulong ito sa pili industry ng Bicol at pagpapasigla ng kanilang ekonomiya.

Sa paraan kasi aniyang ito, mabibigyan ng pagkakataon ang pili farmers na mas kumita mula sa ‘high value commodities’ gaya ng pili.

“The resumption of the exportation of dried pili nuts to the European Union, will undoubtedly benefit the pili industry in Bicol and improve the economy of the region. This is a welcome development and we are committed to promoting the growth and competitiveness of our local farmers in the global market,” saad ni Co sa isang pahayag.

Ang Bicol ang nangungunang pinagkukunan ng pili nuts.

Katunayan noong 2021, batay sa datos ng Philippine Statistics Authority 84% ng kabuuang produksyon ng pili ay mula sa Bicol. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

?: PNA

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us