Nasa ₱85-M halaga ng smuggled na asukal, nasabat ng DA

Facebook
Twitter
LinkedIn

Aabot sa ₱85-milyong halaga ng mga puslit na asukal ang nakumpiska ng Office of the Assistant Secretary for Department of Agriculture Inspectorate and Enforcement (DA I&E) sa pinakahuling operasyon nito sa Port of Subic.

Katuwang ng DA sa ikinasang anti-agricultural smuggling enforcement operations ang Bureau of Customs (BOC), Sugar Regulatory Administration (SRA), at Philippine Coast Guard (PCG).

Ayon sa DA, nakaconsign ang shipment sa MFBY Consumer Goods Trading at deklaradong slipper outsoles at styrene butadiene rubber.

Pero nadiskubreng nakasilid sa 30 container vans ang 780,000 kilos ng refined sugar.

Patong-patong na kaso ang kahaharapin ng nasabing consignee dahil sa misdeclaration at misclassification ng shipment na labag sa Republic Act No. 10611 o Food Safety Act of 2013 at Republic Act No. 10845 o Anti-Agricultural Smuggling Act ng 2016. | ulat ni Merry Ann Bastasa

?: Asec. James Layug

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us