Nationwide consultation sa pagsasa-legal ng cannabis, inilunsad ni Rep. Pantaleon Alvarez

Facebook
Twitter
LinkedIn

Magkakasa ng isang konsultasyon si Davao del Norte Representative Pantaleon Alvarez kaugnay sa panukala nitong alisin sa listahan ng dangerous drugs ang cannabis o marijuana.

Sa kaniyang Facebook page ay inanunsyo ng dating House Speaker ang kaniyang National Marijuana Consultation Tour.

Aniya, mag-iikot siya sa buong bansa upang alamin ang sentimyento ng publiko hinggil sa pagsasa-legal ng marijuana.

Isasagawa aniya ito simula April 6 hanggang April 10.

“Ilulunsad ko itong National Marijuana Consultation Tour, iikutin ko ang buong Pilipinas, kokonsultahin ko yung mga tao kung gusto ba nila na ipagpatuloy ng gobyerno na alisin na sa listahan ng prohibited drugs ang marijuana.” — Rep. Alvarez

Sa ilalim ng kaniyang House Bill 6783 aamyendahan ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, upang alisin ang cannabis, cannabis resin and extracts at tinctures of cannabis mula sa listahan ng ipinagbabawal na gamot.

Pagtitiyak nito, na hindi isinusulong ng kaniyang panukala ang recreational use ng cannabis.

Sa ngayon ay sinimulan nang talakayin ng binuong technical working group (TWG) ng House Committee on Dangerous Drugs ang panukala. | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us