Nat’l Commission on Muslim Filipinos, nagpaalala sa adjusted working hours ng mga empleyadong Muslim ngayong panahon ng Ramadan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inabisuhan ng National Commission on Muslim Filipinos o NCMF ang mga ahensya ng pamahalaan, government-owned or controlled corporations, at LGUs sa pagpapatupad ng adjusment sa oras ng trabaho ng mga empleyadong muslim ngayong paggunita sa banal na buwan ng Ramadan na nagsimula na kahapon.

Sa inilabas na kautusan ni NCMF Spokesperson Comm Yusoph Mando, inihayag nitong maaaring simulan ng mga empleyadong Muslim ang kanilang trabaho sa pagitan ng alas-7:30 ng umaga hangga’t makumpleto nila ang walong oras ng alas-3 ng hapon nang walang anumang break sa umaga, tanghali o hapon.

Ito ay alinsunod na rin sa Civil Service Commission Resolution No. 81-1277.

Ang office hour adjustment ay bilang paggalang sa karapatan ng mga Filipino Muslim na mag-ayuno sa buwan ng ramadan habang tinitiyak na magpapatuloy pa rin ang maayos na serbisyo ng mga ito

Tatagal ang buwan ng Ramadan hanggang sa April 21, 2023. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us