New Agrarian Emancipation Act, isa sa pinakamahalagang legislative accomplishment ng Marcos Jr. admin

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ikinalugod ni Albay 2nd District Representative Joey Salceda ang ratipikasyon sa New Agrarian Emancipation Act.

Dahil aniya dito, ay maiaakyat na ito sa tanggapan ng pangulo para malagdaan.

Ani Salceda, halos tatlong dekada na niyang itinutulak ang naturang panukala na magpapalaya sa may 654,000 agrarian reform beneficiaries (ARBs) mula sa pagkakautang na nagkakahalaga ng P58.125 billion.

Oras aniya na lagdaan ito ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ay magsisilbi ito bilang pinakamahalagang legislative accomplishment at makasaysayang hakbang ng kanyang administrasyon.

“I have been fighting for this measure since my first term in Congress. I fought for it again during my time in the Arroyo Cabinet. I fought for it under the past administration. And now, I feel vindicated that this three-decade effort has finally come to fruition. When President Marcos signs this measure, he also etches this law into what history books will later write of his administration. The New Agrarian Emancipation Act is the most important legislative accomplishment of the Marcos administration during the first session of his government’s first Congress.” — Rep. Salceda

Positibo ang kinatawan na sa pamamagitan ng panukala ay mas magiging produktibo ang lupain ng mga ARB.

Katunayan posibleng umabot ng hanggang P54.02 billion kada taon ang ambag nitong paglago sa sektor ng agrikultura dahil sa ipatutupad na condonation.

Nakapaloob din sa ratified version ang Estate Tax Amnesty, kung saan maaaring ilipat ng farmer beneficiaries sa kanilang heirs o tagapagmana ang naturang lupain ng walang estate tax penalty.

Nangako naman si Salceda, na tatrabahuhin ng Mababang Kapulungan ang pagsusulong ng libreng land distribution ng agrarian reform lands sa hinaharap. | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us