NGCP, di dapat mabahala na kakapusin ang supply ng kuryente — DOE

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hindi dapat mabahala ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) kaugnay sa posibleng kakapusin ang supply ng kuryente ngayong summer season.

Ginawa ang pahayag matapos maalarma ang NCGP dahil sa hindi inaaprubahan ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang kanilang request na kada buwan ang extension ng kanilang ancillary service agreement.

Ang nasabing kasunduan ay kontrata ng NGCP sa mga planta o kinukuhanan ng kuryente na padadaluyin sa mga distributor ng kuryente.

Ayon kay DOE Secretary Raphael Lotilla, basta’t mag-file lang ang NGCP ng Motion for Reconsideration, ito ay didinggin naman ng ERC.

Taong 2022 nitong Disyenbre ibinasura ng ERC ang hiling ng NGCP, pero ayon kay Lotilla matatapos na ang kanilang selection process at maari nang umapela ang NGCP sa ERC. | ulat ni Don King Zarate

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us