Kinumpirma ng Energy Regulatory Commission (ERC) na naghain na ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ng kanilang aplikasyon.
Ito ay para sa kanilang bagong singilin o transmission rates para sa 5th Regulatory Period, na sumasaklaw sa mga taong 2023 hanggang 2027.
Ayon sa ERC, nakapailalim ang hakbang na ito ng NGCP sa regulatory process salig sa Transmission Wheeling Rate Guidelines ng komisyon.
Didinggin ito ng ERC kasabay ng pagrepaso naman sa 4th Regulatory Rate Reset, na kinukumpleto na lamang nila sa ngayon.
Kasunod niyan, sinabi ng ERC na welcome sa kanila ang paghahain ng petisyon ng NGCP.
Dahil makatutulong ito upang maresolba ang pagkakaantala sa pagre-reset ng transmission rates. | ulat ni Jaymark Dagala