Sinimulan na ng National Irrigation Administration (NIA) ang pagtatayo ng ₱664.75-milyon Bayuyan Small Reservoir Irrigation Project (Bayuyan SRIP) sa Barangay Bayuyan, President Roxas, Capiz.
Pinangunahan ni NIA Acting Administrator Engr. Eddie Guillen ang Groundbreaking at Capsule-Laying Ceremony ng proyekto na isa sa itinuturing na pinaka-malaking irrigation project ng NIA sa lalawigan.
Ayon kay Admin Guillen, sa tulong ng proyekto, target ng NIA na makapagbigay ng mahusay na serbisyo-patubig at maiangat ang kabuhayan ng mga magsasaka sa lalawigan.
Ayon sa NIA, nasa tinatayang 477 na mga magsasaka at kanilang pamilya ang makakabenepisyo sa naturang proyekto na sakop ang halos 600 ektarya ng agricultural land sa mga barangay ng Bayuyan, Badiangon, Culilang, Goce, Carmencita, Cubay, Ibaca, at Sto. Niño.
Target na makumpleto ang proyekto sa disyembre ng 2025. | ulat ni Merry Ann Bastasa
?: NIA