Outstanding performance ng Philippine Men’s Ice Hockey Team sa 2023 IIHF Divisional World Championship, pinapurihan ni Pangulong Marcos Jr.

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagpaabot ng pagbati si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Philippine Men’s Ice Hockey Team at Hockey Philippines para sa pagkapanalo sa katatapos lamang na 2023 International Ice Hockey Federation Divisional World Championship sa Mongolia.

Sa maikling mensahe ng Pangulo, kinilala nito ang natatanging performance ng koponan na ipinamalas sa nasabing patimpalak.

“Our warmest congratulations go out to the Philippine Men’s Ice Hockey Team and Hockey Philippines for their outstanding performance in the International Ice Hockey Federation Divisional World Championship.” saad ni Pangulong Marcos Jr.

Dinominate aniya ng koponan ang kompetisyon, makaraang maka-score ng 35 goals.

Sinabi ng Pangulo na ang tagumpay na ito ay sumasalamin lamang sa kakayahan, talento, at pagpupursige ng koponan.

Ayon kay Pangulong Marcos Jr., isang karangalan na maipagdiwang ang tagumpay na ito.

“The team dominated the competition, scoring 35 goals and maintaining a goal difference of +29. This triumph is a testament to their skill and perseverance, and we are honored to celebrate their success!” pahayag ni Pangulong Marcos Jr. | ulat ni Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us