Sa pamamagitan ng viva voce voting ay ipinagtibay ng Mababang Kapulungan ng Kongreso sa ikalawang pagbasa ang panukala na magbibigay ng kapangyarihan sa Pangulo ng Pilipinas na suspendihin ang nakatakdang pagtaas sa premium contribution ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).
Aamyendahan ng House Bill 6772 ang Universal Health Care Act o Republic Act 11223.
Sa ilalim nito, maaaring ipag-utos ng Presidente na ipatigil ang pagpapatupad sa scheduled increase ng premium rates sa panahon ng national emergency, kalamidad o para sa interes ng publiko.
Batay sa UHC Law, pagsapit ng 2024 ay itataas ang premium rate ng PhilHealth sa 5%.
Habang una nang ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pansalamantalang suspensyon sa dapat sanang premium contribution increase ng PhilHealth ngayong taon. | ulat ni Kathleen Jean Forbes