Pagsusumikapan ng pamahalaan na magkaloob ng economic opportunities at matugunan ang “gender bias” at “gender stereotypes” sa mga kababaihan.
Ayon sa National Economic and Development Authority (NEDA), nakapaloob sa Philippine Development Plan (PDP) 2023-2028 ang pagpapaangat ng partisipasyon ng kababaihan sa labor force sa 52 hanggang 54% mula sa 51.7% noong 2022.
Isa sa mga stratehiyang nakalatag sa PDP ang pag-mainstream ng gender at green competencies sa pag-promote sa pagnenegosyo at iba pang oportunidad para sa kababaihan.
Ipinaliwanag ni Socioeconomic Planning Undersecretary for Policy and Planning Rosemarie Edillon na kailangang maparami ang mga babaeng manggagawa sa larangan ng digital technology.
Batay sa pag-aaral ng Philippine Institute for Development Studies noong nakaraang taon, di hamak na mas mababa ang sahod ng mga kababaihang nasa digital jobs o 18.4 percent na mas mababa kumpara sa kalalakihan.
Nakasaad din sa PDP na pagsamahin ang lifelong learning processes sa human resource development programs upang matiyak na makikinabang ang employers at mga kawani sa learning dividends gaya ng corporate performance, productive employee engagement at enhanced well-being. | via Hajji Pantua Kaamiño