Paggamit ng solar energy sa mga tanggapan ng pamahalaan, isinusulong ni Ilocos Norte Rep. Sandro Marcos

Facebook
Twitter
LinkedIn

Naghain ng panukalang batas si House Senior Deputy Majority Leader at Ilocos Norte 1st District Representative Sandro Marcos na layong isulong ang paggamit ng renewable energy gaya ng solar energy sa government offices.

Sa kaniyang House Bill 7625 o “Solar Energy in National Government Offices Act” ipinunto ng mambabatas na upang matiyak ang tuloy-tuloy na paglago ng ating ekonomiya, mahalagang maisulong ang renewable energy na maliban sa makakabawas sa epekto sa climate change ay mas matipid kaysa sa fossil based energy source.

Sa ilalim ng panukala, inaatasan ang mga tanggapan ng pamahalaan katuwang ang Department of Public Works and Highways (DPWH) at Department of Energy (DOE) ng magtatag ng solar energy systems.

Gagamitin ito sa pagsusuplay ng 10% ng kabuuang energy requirement ng government building o office sa unang isang taon.

Unti-unti itong itataas sa loob ng limang taon o hanggang sa 50% ng kuryente ng tanggapan ay mula sa solar energy.

Dito sa Kamara, taong 2022 nang maglagay ng solar panel sa South Wing Annex na mayroong 200-kilowatt capacity na katumbas ng 30% hanggang 35% na tipid sa energy consumption. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us